Kahit wala si head coach Tim Cone, nagawa pa ring patumbahin ng Ginebra San Miguel ang Converge FiberXers, 105-89, sa 2022 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum nitong Biyernes ng gabi.
Kumamada nang husto sina Scottie Thompson sa naitalang 24 puntos, anim na rebounds at anim na assists habang nakaipon naman si Japeth Aguilar ng 20 puntos at 11 rebounds.
Naka-double-double naman siChristian Standhardinger dahil sa kinanang 13 puntos, 13 rebounds. Kahit kababalik lamang mula sa injury, nakapag-ambag pa rin ng 11 puntos si Stanley Pringle.
Si assistant coach Richard del Rosario ang nagmando sa Ginebra nang magtungo sa Las Vegas si Cone upang magsilbi bilang guest assistant coach ng Miami Heat sa 2022 NBA Summer League.
Hawak na ngayon ng Gin Kings ang kartadang 5-1 panalo-talo habang nalaglag naman ang FiberXers sa barahang 2-5 (panalo-talo).
Bago makuha ang panalo ng Ginebra, nagkaroon muna ng 34-all sa ikalawang yugto ng laban, gayunman, kumayod nang husto sinaNard John Pinto at Thompson at nakuha ng Gin Kingsangabante, 50-45.
Huling nagpakita ng pagpalagang Converge nangilapit nila anglaban, 74-86, sa final quarter.
Gayunman, hindi pa rin nagpabaya ang Ginebra hanggang sa makuha ang panalo.
Nakapuntos naman ng 16 si Allyn Bulanadi, Abu Tratter (13 puntos) habang nakakubra naman ng10 puntos si Maverick Ahanmisi para sa Converge.