Matapos ang matagumpay na benefit concert noong Enero, lilipad pa-Amerika si Kapuso star Alden Richards kasama ang Kapamilya leading actress na si Sue Ramirez para sa isang overseas project.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ito ang inanunsyo ni Alden sa kaniyang Instagram nitong Biyernes, Hulyo 1 kung saan apat na lugar na ang kumpirmadong magiging venue ng “Forward US Tour” kabilang ang San Mateo at Valley Center sa California, Chicago sa Illinois, at Jacksonville sa Florida.

Sa anunsyo, ipinakilala na rin ang Kapamilya leading actress na si Sue Ramirez bilang special guest ng Kapuso hunk.

Setyembre ngayong taon nakatakdang ganapin ang nasabing tour.