Bago ang pag-awit ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ng "Lupang Hinirang" sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr sa National Museum nitong Hunyo 30, kumalat muna sa mga balita ang rehearsal nito sa mismong venue.

Isa sa mga masayang-masaya para kay Toni ang misis ni Senador Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla, na dating co-host sa reality show ng ABS-CBN na "Pinoy Big Brother".

Ibinahagi ni Mariel sa kaniyang Instagram stories nitong Hunyo 29 ang IG story ni Toni, kuha sa harapan ng National Museum.

"Sooo excited for you!!! Tomorrow (June 30) is YOUR victory as well!!! Proud of you, my friend @celestinegonzaga," saad ni Mariel sa text caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Toni Gonzaga-Soriano (Larawan mula sa IG/Mariel Rodriguez-Padilla)

"Literal na nag-iisa ka," pabirong hirit pa niya.

Matatandaang noong nagbitiw si Toni bilang PBB main host, si Mariel din ang nagsabi sa kaniyang "Welcome to the outside world," ang pamosong linyahan sa mga nae-evict o na housemates sa loob ng Bahay ni Kuya.