Mukhang may nararamdamang kakaiba sa katawan ang showbiz columnist na si Manay Lolit Solis, ayon sa kaniyang latest Instagram post.

Aniya, siguro daw ay dulot ito ng kaniyang edad. Minsan daw, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya kahit wala naman ginagawa, o kaya naman ay hindi makatulog dahil hindi siya komportable sa kaniyang pakiramdam.

"Alam mo Salve siguro nga dahil old na ako iba na rin ang feeling ko physically. There are times na parang pagod na pagod ako without doing anything, meron naman hindi ako makatulog dahil uncomfortable ang katawan ko. Lately nga parang may napi- feel akong weakness kaya ayoko muna na madalas nasa labas."

Aminado naman si Lolit na 'pasaway' siya dahil kapag may nararamdaman na siya, hindi naman niya ito pinapansin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Pasaway din kasi ako, kahit may nararamdaman ako I don't listen to my body. Eh siyempre iba na ngayon dahil 75 na ako. Pag naging pasaway ako rin mahihirapan. Iyon bang maiinis ka kung bakit buhay ka nga pero hirap ka naman huminga, masakit naman katawan mo."

"Kaya dapat talaga ikaw mismo makinig sa katawan mo, huwag ipilit pag medyo hindi kaya. Pahinga pag feeling pagod, patingin agad sa doktor para malaman kung ano ang nangyayari sa katawan mo."

"Health is wealth, at masarap comfortable ka at walang sakit sa katawan," saad pa ni Lolit.

Sa gulang na 75 ay nakakapagsulat pa ng mga showbiz news si Manay, gayundin ang entertainment show/vlog nila ni Mr. Fu na "Take It, Take It, Me Ganon!"