Muling nagbigay ng kaniyang update si Queen of All Media Kris Aquino sa Instagram, Hunyo 30.

"For now, 12 noon, June 29, 2022 where we are-this is what i felt you needed to know, straight from me para alam ng lahat ito ang to totoo," ayon sa caption ni Kris.

"This isn’t a permanent goodbye, ibalato nyo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok. Thank you for all your prayers- i am forever #grateful."

"Promise, pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me. In God’s perfect timing…" giit pa ni Krissy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mababasa naman sa kaniyang open letter sa yumaong kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino ang ilan pa sa mga detalyadong naganap sa kaniya, mula sa panahon ng halalan, paglipad patungong Amerika upang magpagamot, hanggang kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Kris ang ilang good news sa kaniyang kondisyon.

Dito ay sinabi ni Kris na tinamaan ng Covid-19 ang mga anak na si Kuya Josh at Bimby. Sinadya rin daw na hindi sila matunton ng media dahil dito hangga't hindi pa sila Covid-free.

"God bless us all, until oure reunion," saad ni Kris para sa lahat.