Mataas ang expectation maging ni Manay Lolit Solis kay Senador Robin Padilla, lalo na sa hangarin nitong malinis ang korapsyon sa gobyerno.

“Kung babasahin mo lahat ng comment ni Robin Padilla sa governance Salve parang magiging malinis na sa corruption ang Pilipinas. Bongga ito pag talagang nagawa ni Robin Padilla, talagang para siyang superman na nasa Senate,” saad ni Manay Lolit, Miyerkules.

Dagdag niya, sa pagiging kilalang artista ni Padilla ay dadanasin nito ang kabi-kabilang atensyon, liban pa na siya ang nanguna sa senatorial election noong Mayo, ani Manay.

“Hindi mo rin naman alam baka nga lahat ng plano niya matupad niya, lahat ng gusto niya mabago, magawa niya. Sana nga tuloy tuloy iyon energy niya para sa bago niyang career, at makita ang mga bagay na inaasahan ng mga followers niya,” sey ng talent manager.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Aniya pa, “moment” ito ngayon ni Robin para magpakitang gilas sa kaniyang kakayahan sa Senado.

“Sana nga, biglain niya lahat sa resulta ng trabaho niya. Sana nga maalis niya corruption, marami mas matulungan. Sana nga,✌🏼” saad ng batikang showbiz columnist.

Nauna nang sinabi ni Padilla noon na layon niyang rebisahin ang ilang mga batas na hindi lubos napakikinabangan ng mga Pilipino. Kilala rin bilang masugid na tagapagsulong ng federalism government ang actor-turned-politician.

Ngayong Hulyo nakatakdang magbukas ang 18th Congress.