Napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs sa kanilang entertainment news vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang huling episode ni Momshie Karla Estrada sa "Magandang Buhay" dahil hindi na ito babalik sa naturang morning talk show.

Ang idinahilan umano ni Momshie Karla, tututok ito sa mga gawain at programa ng Tingog party-list.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/25/karla-estrada-opisyal-nang-di-babalik-sa-magandang-buhay/">https://balita.net.ph/2022/06/25/karla-estrada-opisyal-nang-di-babalik-sa-magandang-buhay/

Subalit ang pinagtataka naman ng ilang mga netizen, third nominee lamang si Karla kaya hindi siya makakapuwesto dahil dito, bagay na inamin din naman niya. Dalawang seats lamang ang nakuha nila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/29/momshie-karla-nagpasalamat-sa-mga-bumoto-sa-tingog-party-list-pero-hindi-makapupuwesto/">https://balita.net.ph/2022/05/29/momshie-karla-nagpasalamat-sa-mga-bumoto-sa-tingog-party-list-pero-hindi-makapupuwesto/

Ayon naman kay Ogie, mukhang mabibigyan daw ng posisyon sa pamahalaan si Karla, nang makausap nila ito sa birthday party ng isa sa ABS-CBN heads na si Cory Vidanes. Posible raw na mabigyan ng puwesto ang dating host ng Magandang Buhay sa Department of Tourism.

"Kundi Usec, Asec…" saad ni Ogie. Ang Usec ay nangangahulugang "Undersecretary" at ang Asec naman ay "Assistant Secretary".

"Kasi 'di ba sa Tourism yung pumwesto ro'n ay parang spokesperson ni VP Inday Sara… tingnan natin kung matutupad ang pangarap ni Karla na makapagsilbi bilang Usec or Asec ng Tourism, o bilang director ng Tourism, parang si Cesar Montano."

Tanong naman ni Mama Loi, bakit kailangan pang iwanan ni Karla ang morning talk show?

Sagot naman ni Ogie, iyan ang dapat alamin kay Momshie Karla. Siguro daw ay nakaapekto na rin ang bagong bihis ng Magandang Buhay, simula nang maging guest co-hosts sina Regine Velasquez-Alcasid at ngayon ay si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Ang kasalukuyang Secretary naman ng Tourism ay si Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Samantala, wala pang kumpirmasyon o pahayag si Karla Estrada tungkol sa rebelasyon ni Ogie Diaz. Ang kaniyang latest Instagram post ay hinggil sa pagwo-workout niya bilang paghahanda bilang "Yaya Santa" sa pelikulang "Maid ng Malacañang."

"Getting Ready na si Yaya Santa! ang all around Maid ng Malacañang! Malapit n'yo nang mapanood!" ani Momshie Karla.