Matapos unang ikinadismaya ng Kapuso star na si Kris Bernal ang naunsyami nilang Europe trip ay ibinahagi ng aktres kamakailan na natuloy din sa wakas ang month-long honeymoon trip nila ng asawang si Perry Choi.

Ito ang masayang update ng aktres sa kaniyang Instagram, Martes, Hunyo 29.

“Today, we finally leave the Philippines for our long-awaited/long overdue/belated honeymoon in Europe. ✈️🌚🤍,” ani Kris kalakip ang larawan nila ng asawa sa loob ng eroplano.

Bagaman natuloy ay hindi pa rin naabutan ng aktres ang kaniyang dream concert, ang pagtatanghal ni Grammy-winning singer-songwriter Adele sa United Kingdom.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“A month-long trip! 🇪🇺 Our first stop was supposed to be in London for Adele's concert. Unfortunately, the UK Visa did not make it,🥺” anang aktres.

“Thankfully, we were able to sell our Adele tickets. The rebooking cost us a lot. Huhu. We rebooked and rerouted our flight to Switzerland. Then to the Netherlands, Germany, Czech Republic, Austria, Italy, France, Spain and the list goes on! 😛” dagdag niya.

Nitong nakaraang linggo ay nauna nang ibinahagi ni Kris ang naging mabigat niyang pasya na ibenta na lang ang pinilahan pang ticket matapos hindi agad maaprubahan ang kanilang visa application.

Basahin: Anyare? Pangarap na Adele concert ni Kris Bernal, naunsyami; biniling tiket, ibinibenta – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Adele ang nasa likod ng mga global hit songs na “Rolling in the Deep,” “Hello,” “Easy On Me,” bukod sa iba pa.