Si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang naatasang umawit ng Lupang Hinirang sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. na gaganapin sa National Museum, Maynila, sa darating na Hunyo 30.

Matatandaang malaki ang naging partisipasyon ng TV host-actress sa kabuuan ng kampanya ng UniTeam matapos niyang maging host ng proclamation rally at miting de avance nito, gayundin ang pagtatanghal ng ilang mga naging signature song ng partido, gaya ng "Roar" at "Titanium".

Buo ang suporta ni Toni, maging ang kaniyang mister na si Direk Paul Soriano, para kay PBBM. Handa umano nilang ibigay ang nararapat na tulong para dito, kung sakaling kailanganin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/21/mag-asawang-paul-soriano-at-toni-gonzaga-handang-tumulong-sa-marcos-admin-kung-kakailanganin/">https://balita.net.ph/2022/05/21/mag-asawang-paul-soriano-at-toni-gonzaga-handang-tumulong-sa-marcos-admin-kung-kakailanganin/

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa pagkakaproklama kay BBM noong Mayo, nagbigay ng courtesy call ang mag-asawa sa kanilang ninong.

Sa isang video, makikitang personal na ipinakilala ni BBM ang mag-asawa sa kaniyang inang si dating First Lady Imelda Marcos.

"Lahat ng ads ko ginawa niya," sabi ni BBM patungkol kay Direk Paul Soriano.

"Si Toni naman, siya ang nagpe-perform… kawawa ito, binubugbog siya (sa social media) ng mga hindi naniniwala."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/26/toni-gonzaga-kinawawa-binugbog-sarado-sa-social-media-sey-ni-pbbm/">https://balita.net.ph/2022/05/26/toni-gonzaga-kinawawa-binugbog-sarado-sa-social-media-sey-ni-pbbm/

Matatandaang noong Setyembre 2021 pa lamang ay umani na ng 'cancel culture' mula sa mga netizen si Toni nang i-guest niya si BBM sa kaniyang award-winning talk show vlog na 'Toni Talks'.

Mas lalo pang umigting ang pag-cancel ng mga netizen kay Toni nang maging host siya ng proclamation rally ng UniTeam noong Pebrero sa Philippine Arena. Dito ay hayagan na niyang ipinakita ang pagsuporta sa UniTeam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/08/toni-gonzaga-host-ng-proclamation-rally-ng-uniteam-nina-bbm-at-sara-sa-bulacan/">https://balita.net.ph/2022/02/08/toni-gonzaga-host-ng-proclamation-rally-ng-uniteam-nina-bbm-at-sara-sa-bulacan/

Kinabukasan ay nagbitiw siya bilang main host ng 'Pinoy Big Brother' (PBB) sa ABS-CBN, na naging tahanan niya sa loob ng maraming taon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/09/mariel-kay-toni-welcome-to-the-outside-world/">https://balita.net.ph/2022/02/09/mariel-kay-toni-welcome-to-the-outside-world/