Muli na namang pinag-usapan ang ibinahaging ulam ni Kapuso actor Paolo Contis dahil tila natuloy na ang request niyang adobo noong nakaraan.

Pero sa pagkakataong ito, hindi na niya tinag o pinangalanan kung sinuman ang nagluto o nagpadala nito sa kaniya. Inunahan na rin niya ang bashers kaya tinawag niya itong "Adobash".

"Ang sarap ng aking baong adobo! May libreng bashing pa 'yan mamaya! #Adobash," ayon sa caption ni Paolo.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

May be an image of 1 person, food and indoor
Larawan mula sa FB/Paolo Contis

Tinawag lamang niya sa alyas na "babikwoooh" ang nagpadala nito sa kaniya. Wala na ring komento rito ang kaniyang 'rumored girlfriend' na si Yen Santos.

Matatandaang matapos matikman ang kaldereta ni Yen, adobo naman ang hirit niya, sa susunod na magpapadala umano ito ng putahe sa kaniya.

"Adobo next?"

"Abusado ka naman," pabirong saad ni Yen.

Ganting banat ni Paolo, "Grabe ka naman! Pagod agad???"

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin nililinaw ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang ugnayan, matapos maintriga dahil sa hiwalayang Paolo at LJ.

Bagama't nagsalita na si Paolo at dinepensahan na si Yen tungkol sa isyu, hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw si Yen upang ipaliwanag naman ang kaniyang panig.