Ibinahagi ng Kapamilya singer na si Jed Madela na may umokray daw sa kaniya dahil sa song choice na inawit niya sa naganap na "Salamat, PRRD" thanksgiving event noong Hunyo 26, sa Quirino Grandstand, Luneta, Maynila.

Aniya, sinasabihan daw siya ng ilang bashers na "tanga" at "bobo" dahil ang inawit niyang "You Raised Me Up" ay pampatay raw.

Imbes na todo-maistress ay naawa na lamang ang singer sa naturang mandadaot. Kung mabibigyan ng pagkakataon, ipaliliwanag niya rito ang lyrics ng kanta, at hahanapin nila kung saang bahagi nito ang pampatay, o inaawit para sa pagbibigay-tribute sa isang namayapa.

"Someone called me 'TANGA' and 'BOBO' coz I sang YOU RAISE ME UP. Pang patay daw…" ayon sa FB post ni Jed, Hunyo 26.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

"Saang part kaya doon ang pampatay?"

"Tsk tsk tsk. I pity this person… Haaaaay… Halika."

"Explain ko ang lyrics sa'yo…"

Samantala, bukod kay Jed ay present din sa thanksgiving event ang Kapamilya singer na si Concert King Martin Nievera.