Matapos ang palitan ng mga salita sa social media ng mag-amang Dennis Padilla at Leon Barretto sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram posts, nagbahagi naman ng makahulugang IG story ang panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto.

Si Dani ay anak nina Marjorie at aktor na si Kier Legazpi, at siyang panganay sa kanilang magkakapatid.

Ibinahagi ni Dani ang kuhang litrato ng isang pahina mula sa aklat. Mababasa ang ganito:

"No one will ever fully be able to understand the internal battles you had to endure just to heal, just to grow, just to make it here today."

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

"Be proud of the way you fought to save yourself. Be proud of the way you survived."

Screengrab mula sa IG/Dani Barretto

Hindi naman malinaw kung konektado ba ito sa nagaganap na palitan ng mga salita sa pagitan nina Dennis at Leon.

Nag-ugat ito nang ibahagi ni Dennis sa kaniyang Instagram posts na namimiss na niya ang mga anak na sina Julia, Leon, at Claudia, na nakalimutan umanong bumati sa kaniya noong Father's Day.

Agad naman itong binura ng komedyante subalit tila huli na ang lahat dahil marami na ang nakapag-screengrab nito at kumalat sa social media.

Naglabas naman ng kaniyang open letter si Leon para sa ama.

Bilang tugon, naglabas din ng open letter si Dennis upang ipaliwanag ang kaniyang sarili.

Sinabi naman ni Marjorie kay Ogie Diaz na magsasalita rin siya sa takdang panahon, upang ipaliwanag kung bakit ganoon ang trato ng mga anak sa kanilang ama.

Matagal nang hiwalay sina Dennis at Marjorie.