Pinabulaanan ng talent manager ni AJ Raval na si Jojo Veloso ang mga napaulat na buntis umano ang sexy actress, at ang itinuturong ama ay si Aljur Abrenica.

Ayon sa ulat, hindi raw totoo ito dahil kasalukuyang nagte-taping ng action movie si AJ, kasama si Kiko Estrada, na pinamagatang "Sitio Diablo" sa direksyon ni Roman Perez, Jr. at under Viva Films. Iyan mismo ay galing kay Jojo Veloso, ang talent manager ni AJ.

Imposible naman daw na kung buntis si AJ, eh sasabak ito sa mga eksenang bakbakan at aksyunan.

Matatandaang naibahagi ni Manay Lolit Solis ang tungkol sa posible umanong pagdadalantao ni AJ.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Totoo kaya Salve ang balita kina Aljur Abrenica at AJ Raval na magkakaroon na sila ng baby? Naku, ibig sabihin wala na talagang balikan sina Aljur at Kylie Padilla. Akala pa naman ng lahat puwede pang magkaroon ng ayos ang relasyon ng dalawa dahil sa 2 nilang anak," saad pa ni Lolit.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/27/manay-lolit-nalungkot-para-sa-dalawang-chikiting-nina-aljur-at-kylie-aktor-magkaka-baby-na-rin-kay-aj/">https://balita.net.ph/2022/06/27/manay-lolit-nalungkot-para-sa-dalawang-chikiting-nina-aljur-at-kylie-aktor-magkaka-baby-na-rin-kay-aj/

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Aljur at AJ tungkol dito.