Game na nakipagchikahan si Bea Alonzo sa kapwa Kapuso actress na si Barbie Forteza para sa vlog entry nitong "Coffee Talk with Barbie Forteza" na umere noong Hunyo 26, 2022.

Isa sa mga natanong ni Barbie kay Bea ay kung willing itong makipagtrabaho sa isang dating karelasyon.

Walang kagatol-gatol na sinabi ni Bea na depende ito sa ex.

"Depende kung sinong ex. Kay Zanjoe (Marudo) ok ako…" ani Bea. Maya-maya ay bumanat ito.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Isa lang naman yung ayokong ex."

Wala umanong problema kay Bea kung makakatrabaho niya si Zanjoe na nasa Kapamilya Network.

“Kami ni Zanjoe, hindi kami ugly breakup. Until now we’re friends. It would be disrespectful to our relationship if we ended it badly."

Matatandaang nagkarelasyon sina Bea at Zanjoe sa loob ng limang taon subalit naghiwalay sila noong 2016.

Ang huling ex ni Bea bago ang kaniyang recent boyfriend na si Dominic Roque, ay si Kapamilya actor Gerald Anderson, na jowa naman ngayon ni Julia Barretto.

Panoorin ang vlog entry ni Barbie:

&t=894s