Ibinahagi ni versatile actress at real-life Darna Angel Locsin na peke ang kumakalat na endorsement niya ng isang brand ng cereals, ayon sa kaniyang opisyal na Facebook page.

Makikita sa ibinahaging litrato na tila edited na ang sinasabing endorsement ni Angel sa isang cereal brand, na nasa bandang kanan. Kinuha umano ang larawan ni Angel mla sa orihinal na endorsement niya na powedered milk drink.

"Fake News! Angel Locsin does not endorse this cereal product, photo on the right side," ayon sa caption.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

May be an image of 3 people and text that says 'Angel andslim when WIAR Arla organic more FAKE! 60kg, POWDERED MILKDRINK ORIGINAL therealangellocsin Sa panahon ngayon dapaty yung kinakain at ininom natin mas masustansya. mas natural,a siyempre dapat masarap. That's why happy part the ARLA Family that provides best products para saiy tsa pamilya mo. @arla_ph 酸奶坚果 *培麦片 Edited-114w Edited 2020 FAKE: http://facebokcom/nge-Losinn 105897788840781/'
Screengrab mula sa FB/Angel Locsin

Sa ngayon ay enjoy muna si Angel at ang kaniyang mister na si Neil Arce sa pagsasagawa ng iba't ibang trips, bago tuluyang bumalik sa pag-arte. Marami na ang nakaka-miss sa kaniya at sana raw, bumalik na siya sa paggawa ng teleserye o pelikula.