Hindi na napigilan na tumalak ni Anabelle Rama on-air nang tanungin ni Vice Ganda sa ‘It’s Showtime’ kung sinong celebrities nga ba ang may pinansyal na utang sa celebrity Cebuana mom.

Ito ang kuwelang tagpo sa ‘It’s Showtime’ nitong Lunes kung saan sinubukang hingan ni Meme Vice ang talent manager ng clue ukol sa mga nagkakautang sa kaniyang showbiz personalities.

“Hindi artista, day. Ang artista, makunat. Hindi artista,” saad ni Anabelle.

“Producer?” segundang tanong ni Meme Vice.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“Hindi rin,” sagot muli ni Anabelle.

“Mayaman siya pero ayoko lang mabanggit ang pangalan,” dagdag ng celebrity mom.

Noong una’y pigil na pigil ang talent manager sa pagbubulgar ng ilang clues, bagay na ikinasiya ni Meme.

“Si Tita Anabelle, pa-minsa-minsan nakakapreno rin,” saad ni Vice Ganda.

Ayon pala’y pinipigilan na ang celebrity mom ng kaniyang anak na si Ruffa na huwag magsalita ukol sa usapan.

“Narinig ko katabi ko, ‘Don’t say anything,’” saad ni Anabelle sa pagtukoy kay Ruffa na kapwa hurado rinsa isang segment ng noon time show kasama si Raymond.

“Magtanong na lang tayo. Magbigay ng mga pamilyang may utang sa inyo,” muling hirit ni Vice.

“‘Wag na, baka hindi ako lalo mabayaran eh,” saad muli ni Anabelle.

Nang walang anu-ano’y tumalak na ang talent manager.

“Ang kapal ng mukha, three years na,” maririnig na komento ni Anabelle na ikinaloka ng mga host at ng kaniyang mga anak.

Sinubukan muling hingin ni Vice ang initials ng tinutukoy ni Anabelle.

“Wag na baka di ako mabayaran,” saad ng talent manager.

Dagdag niya, “Mayaman siya Vice, milyonaryo pero ayaw talaga magbayad. Ang kapal ng mukha!”

Pagkukumpirma ng prangkang celebrity mom, kilala nila Vice ang negosyanteng tinutukoy nito.

Si Anabelle, kasama ang kaniyang celebrity offsprings na sina Ruffa at Raymond ay parehong hurado ng “Showtime Sexy Babe.”