Isang kuwelang video ang ibinahagi kamakailan ng online personalities at soon to be parents na sina Whamos Cruz at Antonette Gail.

Sa kabila ng mga tukso na huwag sana maging kamukha ni Whamos ang kaniyang anak ay positibo pa rin at tanggap ng kaniyang partner ang anumang ibibigay sa kanila ng Diyos, pagbabahagi niya sa isang Facebook video kamakailan.

Dagdag ni Antonette, wala naman aniya problema sa pisikal na anyo ni Whamos at mas pinahahalagahan pa rin niya ang kabutihang loob ng isang tao kaysa sa panlabas na anyo nito.

Sunod namang makikita sa video si Whamos suot ang isang improvised mask kung saan nakaimprinta ang mukha ng Kapamilya actor na si Coco Martin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Biro ng online personality, gusto niyang maging kamukha ng kaniyang anak ang action star, kung maging lalaki ito.

Maging porma at lakad ng Kapamilya actor ay ginaya na rin ni Whamos, bagay na ikinaaliw ni Antonette at maraming netizens.

Aniya sa partner na si Antonette, gusto niyang paglihian ang aktor habang ipinagbubuntis ang kanilang baby number one.

“Hindi ko naman siya [Coco Martin] bet na paglihian ko, gusto ko ‘yung mukha mo pa rin,” sweet namang saad ni Antonette sa partner.

Matatandaan na kasunod ng anunsyo ng kanilang pagbubuntis ay naging tampulan agad ng tukso ang posibleng maging pisikal na anyo ng magiging anak ng online personality, bagay na ipinagkibit-balikat lang ng social media couple.

Basahin: Xian Gaza sa magiging baby ni Whamos Cruz: ‘Jusko. Huwag naman sana niya maging kamukha’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang ibinahagi ni Antonette at Whamos na pinagplanuhan nilang mabuti ang pagkakaroon ng supling.

Basahin: Whamos Cruz at Antonette Gail, magkakababy na: ‘Pinag-isipan namin nang matagal ito’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Sa totoo lang kasi, actually pinag-isipan namin nang matagal ‘to, hindi lang namin basta ginawa ‘to. Pinag-isipan namin nang maigi,” sey ni Whamos.

“May dumating nanamang blessing sa amin. Sa lahat ng blessing na dumating sa amin ito yung pinakamagandang blessing para sa amin. Magkakababy na kami guys,” dagdag pa niya.