Todo-bawi talaga ang "Unkabogable Ninang" na si Vice Ganda para sa anak ng kumareng si Ethel Booba, matapos itong ipag-shopping ng mga laruan at damit.

Una silang nagtungo sa isang toy store at hinayaan lamang ni Meme na damputin at kunin ng kaniyang inaanak na si Mikaela ang mga nagustuhan nitong laruan. Isa sa mga natipuhan ng bata ay nagkakahalagang ₱7,000. At nang magbayad na sila sa counter, umabot umano sa ₱124K ang mga binayarang laruan ni Vice sa naturang toy store, ayon sa isang ulat.

Hindi pa natapos diyan, gumora pa sila sa isang mamahaling clothing shop para naman sa mga damit. Sa pagkakataong ito, ang magkumareng sina Vice at Ethel na ang pumili ng mga damit para sa chikiting. ₱192K ang binayaran ni Vice sa dami at presyo ng kanilang naipamili, ayon sa isang ulat.

Ayon naman kay Ethel, bumabawi lang si Kumareng Vice dahil ilang taon nitong hindi nakita ang inaanak. Ipinagpatuloy naman nila ang chikahan sa kotse, na mapapanood naman sa vlog ni Vice Ganda.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Bongga!