Natawa na lamang si Vice Ganda nang muntikan na siyang mangudngod sa sahig ng noontime show na "It's Showtime" dahil sa pagtatangka niyang ipakita ang tamang pagrampa at pag-awra sa harap ng camera, sa isang "Showtime Sexy Babe" contestant.

Kaagad namang lumapit sa kaniya ang mga kasamahang TV hosts, maging ang kaniyang 'mister' na si Ion Perez.

Nagbiro na lamang si Vice Ganda na natakot siya dahil akala niya, papasok siya sa loob ng camera at nakakita umano siya ng loob ng bahay ng madlang people. Muling ipinakita sa replay ang kaniyang pagkakasubsob.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Hindi naman nasaktan si Vice Ganda na aniya ay magkaka-concert pa naman sa ibang bansa.

Matatandaang hindi lamang si Meme Vice ang nakaranas ng ganito habang live ang show. Halos masubsob naman ang mukha ni Kim Chiu nang mag-epic fail ang kaniyang headstand noong Hunyo 15.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/15/di-umabot-headstand-ni-kim-chiu-epic-fail-napasubsob-sa-sahig/">https://balita.net.ph/2022/06/15/di-umabot-headstand-ni-kim-chiu-epic-fail-napasubsob-sa-sahig/

Bago ito, nagpa-sampol muna ng paghataw ang konsehal ng Makati, hanggang sa binuyo naman niya si Kim na humataw rin, yaman din lamang na siya ang tinaguriang "Queen of the Dancefloor" ng Kapamilya Network.

Biniro na lamang siya ni Jhong na mahirap daw talagang humalik sa sahig.