Naglabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasahero ukol sa limitadong operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) sa Hunyo 30, inagurasyon ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. 

Ayon sa MMDA, limitado ang operasyon ng PRFS mula sa Pinagbuhatan Station hanggang Sta. Ana Station sa darating na Huwebes.

Eleksyon

Bong Revilla, senatorial bet ng Lakas-CMD sa 2025

Magpapatupad naman ang Philippine Coast Guard (PCG) ng "no sail zone" sa ilang bahagi ng Ilog Pasig sa araw ng inagurasyon.

Kabilang sa no sail zone ang Pier 13 Muelle De San Francisco, Port Area Manila, Mabini Bridge, Ayala Bridge, at Malacañang.