Napa-‘I love you, maam’ na lang si Amakabogera singer Maymay Entrata sa presensya ni Anne Curtis sa kaniyang “It’s Showtime” experience bilang guest host kamakailan.

Iba pa rin talaga ang alindog ng 37-anyos na celebrity mom at maging ang kapwa kapamilya star na si Maymay ay hindi pa rin sanay sa presensya nito.

Naging guest host kamakailan ang fashion model, aktres at recording artist na si Maymay sa It’s Showtime kamakailan.

“Grabe bonus na po talaga ‘tong second day lalo pa’t katabi ko si Ms. Anne Curtis,” saad ni Maymay habang mahahalatang nanginginig pa ito sa excitement, sa episode ng noontime show noong Sabado, Hunyo 25.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“Nasa-startruck na naman ako sa kaniya,” dagdag ni Maymay.

Basahin: Vice Ganda, na-elbow sa kadyosahan ni Anne Curtis: ‘Wag ka nang babalik dito’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Aminado rin ang Kapamilya star na kabado rin siya sa kaniyang unang pagsalang sa Showtime bilang guest host noong Biyernes, Hunyo 24.

“Alam niyo po sir, kinakabahan talaga ako noong una,” saad ni Maymay nang kumustahin siya ni Vhong sa hosting experience niya sa kanilang programa.

“Mas lalong gumaan kasi talagang Kapamilya ba, mapi-feel mo talaga na parte ako kasi tinuturing niyo po akong Kapamilya talaga,” sambit na pasasalamat ni Maymay sa mga host.

Bumulusok sa kasikatan si Maymay matapos itanghal na big winner sa Pinoy Big Brother Lucky 7 noong 2017.