Darating daw ang takdang panahong babasagin na ni Marjorie Barretto ang kaniyang katahimikan at magsasalita na sa isyu ng pandededma ng kaniyang mga anak sa tatay nilang si Dennis Padilla.

Lumala ang balita tungkol dito dahil sa isyu ng pagkalimot umano nina Julia, Leon, at Claudia Barretto na batiin ng "Father's Day" ang kanilang ama.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/23/dennis-padilla-nagtampo-kina-julia-leon-at-claudia-dahil-hindi-siya-binati-noong-fathers-day/">https://balita.net.ph/2022/06/23/dennis-padilla-nagtampo-kina-julia-leon-at-claudia-dahil-hindi-siya-binati-noong-fathers-day/

Naglabas naman ng open letter si Leon Barretto para kay Dennis upang ipaliwanag ang kanilang panig. Marami raw kasing bashing na natatanggap ang magkakapatid mula sa mga netizen dahil sa mga "false narratives" na ipino-post ni Dennis sa social media.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/26/leon-sa-amang-si-dennis-is-public-sympathy-really-more-important-than-your-own-children/">https://balita.net.ph/2022/06/26/leon-sa-amang-si-dennis-is-public-sympathy-really-more-important-than-your-own-children/

Kaagad namang tumugon si Dennis at naglabas din ng open letter para sa anak. Tinanong din niya si Leon kung ano ang mga sinasabi nitong false narratives na nai-post niya laban sa mga anak.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/27/dennis-nag-sorry-kay-leon-naglabas-din-ng-open-letter-miss-ko-lang-kayo/">https://balita.net.ph/2022/06/27/dennis-nag-sorry-kay-leon-naglabas-din-ng-open-letter-miss-ko-lang-kayo/

Ayon kay Ogie Diaz sa kaniyang vlog na "Showbiz Update", natanong niya si Marjorie kung kailan ito magsasalita tungkol sa isyu. Nagkasama ang dalawa para sa thanksgiving event na inihandog ng Team Robredo-Pangilinan sa mga volunteers noong nagdaang kampanya.

Sinabi umano ni Marjorie na sasabihin din niya balang araw kung saan nag-uugat ang trato ng mga anak sa kanilang ama. Matatandaang hiwalay na sina Dennis at Marjorie.

"Regarding sa issue ng tampo ni Dennis Padilla na hindi ito nabati ng kanilang mga anak, sinabi lang ni Marjorie na ‘In time’ o darating din yung oras at panahon na magsasalita rin siya para mas maintindihan ng mga tao ang totoong sitwasyon,” ani Ogie.

“Umaasa rin si Marjorie na poproteksyunan pa rin ni Dennis ang kanilang mga anak sa lahat ng pagkakataon," dagdag pa ng showbiz columnist.

Samantala, iba-iba naman ang reaksiyon at komento rito ng mga netizen.

"Sana magkaayos na kayo! Pamilya pa rin talaga ang magkakasama hanggang dulo."

"Palagay ko, kahit na anong ugali o kahit na ano pa ang tatay mo, dapat pa rin siyang igalang. Kahit ano o sino pa siya, dapat nagpapakumbaba ang mga anak."

"Dennis, huwag mo naman sanang ilagay sa alanganin ang mga anak mo kasi sila ang nababash, dahil sila ang mga anak."

"There's always two sides of the story... I feel sad for leon and his siblings."

"Pls settle your personal issues privately. Communication is very important in making sure that all issues are being addressed and posting thru socmed will only give many interpretations that will either be positive or negative. Yes, who are we to give comments on this?! But posting it is only a sign that everyone has the right to plunge into your private lives."