Tila nasagap ng batikang showbiz columnist na si Manay Lolit Solis ang umano’y pagbubuntis na rin ng sexy star na si AJ Raval sangkot ang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Ito ang laman ng Instagram chika ni Manay Lolit nitong Lunes, kung saan ikinalungkot nito ang balita para sa dalawang chikitang ng showbiz couple na sina Kylie Padilla at Aljur, na una nang naging usap-usapan online matapos ang kontrobersyal na hiwalayan noong nakaraang taon.

“Akala pa naman ng lahat puwede pang magkaruon ng ayos ang relasyon ng dalawa dahil sa 2 nilang anak. Sayang naman dahil kahit away bati lagi naman nagkakasundo uli ang dalawa,” sey ni Manay Lolit.

Dagdag ng talent manger na hindi talaga maiiwasan ang aniya’y mga hamon sa buhay at nagpahayag na rin ito ng pagsuko sa hindi na muling mabubuong relasyon ng dating celebrity couple.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

“How sad para sa dalawang anak nila. Pero pareho naman silang may karapatan humanap ng ligaya kundi na sila magkasundo. We both wish them happiness, more than ever,” saad ni Manay.

Basahin: Kylie sa paghihiwalay nila ni Aljur: ‘We are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi man kailanman kinumpirma nina Aljur at AJ ang tunay na estado ng kanilang relasyon ay ilang beses na silang naispatang magkasama, dahil na rin sa mga nagkalat na Marites.

Balita: AJ Raval at Aljur Abrenica, naispatang naglalakad habang magkahawak-kamay, magkayakap sa mall – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Aminado naman ang sexy actress na may personal na ugnayan sila ng aktor.

Basahin: AJ Raval, umaming ‘kilig-pechay’ kay Aljur: ‘We care for each other’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid