Mismong si Rita Daniela na ang nag-anunsyong siya ay nagdadalantao, sa "Queendom" segment ng musical variety show na "All-Out Sundays" sa GMA Network, nitong Hunyo 26, 2022.

"I'm so happy and proud to say that I am soon to be a mother!" emosyunal na pag-amin ni Rita.

"Wala naman po akong planong ilihim ito. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life," aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/26/rita-daniela-umaming-buntis-wala-naman-po-akong-balak-ilihim/">https://balita.net.ph/2022/06/26/rita-daniela-umaming-buntis-wala-naman-po-akong-balak-ilihim/

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Bago ang aktuwal na pag-amin, nai-plug na ito ng AOS na may "life-changing reveal" ito na kailangang abangan at pakatutukan ng avid fans ni Rita at viewers ng show. Matatandaang may mga kumakalat na blind item hinggil sa actress-singer daw na buntis.

Ang ama ng kaniyang anak ay non-showbiz boyfriend.

Ilang oras bago ang airing ng AOS ay nag-post sa kaniyang IG si Rita ng "Coming Soon".

Pagkatapos ng kaniyang grand reveal ay ibinahagi na rin ni Rita ang litrato ng sonogram ng kaniyang ultrasound.

"My child," panimula ni Rita sa kaniyang latest IG post, mensahe para sa kaniyang anak.

"You came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always."

"Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord."

"I can’t wait to meet you, anak."

"Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/26/matapos-ang-grand-reveal-rita-ibinahagi-na-ang-litrato-ng-sonogram-ng-kaniyang-ultrasound/">https://balita.net.ph/2022/06/26/matapos-ang-grand-reveal-rita-ibinahagi-na-ang-litrato-ng-sonogram-ng-kaniyang-ultrasound/

Marami naman daw ang nagmensahe sa katambal ni Rita na si Kapuso actor Ken Chan sa pag-aakalang siya ang ama ng dinadala ng actress-singer. Ngunit ang ama ng kaniyang anak, walang iba kundi ang kaniyang non-showbiz boyfriend.

Nagbigay naman siya ng mensahe para kay Rita sa pamamagitan ng tweet.

"To you and your baby,"

"I’m here if you need anything, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support & love to surround you & your baby."

https://twitter.com/akosiKenChan/status/1541035786673725441

"As a friend, as someone who cares, I’ll be here for you no matter what. I am so proud of you!"