Ibinahagi ni Miss International Queen 2022 at proud Transpinay na si Fuschia Anne Ravena ang dahilan ng muntik na niyang epic fail na evening gown presentation sa finals night ng international pageant sa Thailand kamakailan.

Isa sa mga highlight ng pagkapanalo ni Fuschia ang kaniyang pangmalakasang pag-awra matapos muntik nang madulas sa evening gown portion ng kompetisyon.

Basahin: Miss Philippines Fushia Anne Ravena, wagi sa Miss International Queen 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kaniyang media tour, ibinahagi na ng Cebuana beauty ang naging dahilan ng muntik na niyang pagkadulas sa nabanggit na bahagi ng Finals night.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“I was so tensed. I was sweating, and at that time I was thinking to put a powder [on my heels] but my assistant told me not to put it because it will get more slippery,” kuwento ni Fuschia.

Hindi rin niya aniya na-lock nang maayos ang heels dahilan para kumalas ito sa kaniyang paa.

“I forgot to lock my heels,” dagdag ni Fuschia.

Gayunpaman, hindi sinisisi ng titleholder ang suot na heels bagkus ay itinuturing pa niya itong pampasuwerte sa kaniyang journey.

“To tell you guys, there’s no problem with my heels. I am loving this one. That’s my pageant heels [that] I used before in Miss International Philippines [pageant], and I’m using them right now because it is my lucky heels,” saad ni Fuschia sa kilalang Jojo Bragais heels.

Basahin: ‘Cebuana, guapa!’ Kandidata ng Cebu City, kinoronahang Miss Int’l Queens PH – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Fuschia ang ikatlong Transpinay na nagwagi sa prestihiyusong kompetisyon.

Matatandaang noong 2012 ay nanalo na si Kevin Balot at si Trixie Maristela naman noong 2015 na pawang pambato ng Pilipinas.