NUEVA VIZCAYA - Patay ang isang driver at pahinante nito matapos tumagilid ang sinasakyang trailer trucksa Dupax del Sur nitong Lunes.

Sa report na natanggap niNueva Vizcaya Police Provincial Office information officer Maj. Nova Lyn Aggasid, nakilala ang dalawang binawian ng buhay na sinaRaymond Santos, 35, binatam driver, at taga-P4 Burgos, San Ramon, Isabela, at Mark Anthony Juan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, ang insidente ay naganap sa national highway sa Brgy. Gabut.

Patungong norte umano ang dalawa, sakay ng truck (RNJ-763) na kargado ng feed at dog food at binabagtas ang pakurbang kalsada nang mawalan ng kontrol ang truck.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Tumagilid ang truck at bumangga sa concrete barriers sa gilid ng kalsada kung saan naipit ang dalawa.

Dead on arrival sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital sina Santos at Juan dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.