Sa wakas ay direktang inamin at inanunsyo ni Kapuso actress-singer Rita Daniela na siya ay buntis, sa "Queendom segment" ng musical variety show na "All-Out Sundays" ngayong Linggo, Hunyo 26.

Matatandaang isang blind item ang kumakalat na isang actress-singer daw ang napababalitang buntis. Isa si Rita sa mga lumutang na pangalan mula sa mga netizen na nagtangkang humula kung sino ito.

Ngayong Linggo nga ay binasag na ni Rita ang kaniyang katahimikan sa AOS. Aniya, wala naman daw siyang planong itago ito. Humahanap lamang siya ng pagkakataon at oras upang ibahagi ito sa publiko.

"I'm so happy and proud to say that I am soon to be a mother!" emosyunal na pag-amin ni Rita.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

"Wala naman po akong planong ilihim ito. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life," aniya pa.

Bago ang aktuwal na pag-amin, nai-plug na ito ng AOS na may "life-changing reveal" ito na kailangang abangan at pakatutukan ng avid fans ni Rita at viewers ng show. Marami naman ang humulang baka ang napababalitang pagbubuntis ang ibubunyag nito. Bagay na hindi naman napagkamalian.

Ang ama ng kaniyang anak ay non-showbiz boyfriend.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/26/rita-daniela-umaming-buntis-wala-naman-po-akong-balak-ilihim/">https://balita.net.ph/2022/06/26/rita-daniela-umaming-buntis-wala-naman-po-akong-balak-ilihim/

Ilang oras bago ang airing ng AOS ay nag-post sa kaniyang IG si Rita ng "Coming Soon".

Pagkatapos ng kaniyang grand reveal ay ibinahagi na rin ni Rita ang sonogram ng kaniyang ultrasound.

"My child," panimula ni Rita sa kaniyang latest IG post, mensahe para sa kaniyang anak.

"You came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always."

"Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord."

"I can’t wait to meet you, anak."

"Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita."

Umani naman ng pagbati ang grand reveal na ito mula sa mga kaibigang celebrity at tagahanga.