Pinangalanan at binigyang-mukha nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Morly Alinio ang mga kumakalat na blind item tungkol sa isang young actor na nabuntis umano ang kaniyang jowa. Ayon sa hosts, ito raw ay anak ni outgoing Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na si Joaquin Domagoso o tinatawag ding JD.

Nakapanganak na raw ang tinukoy na karelasyon ni Joaquin na pinangalanang "Raffa Castro". Isang napakalusog na baby boy daw ang apo ni Yorme Isko na isinunod daw sa pangalan ng alkalde ng Maynila at tinatawag na "Scott". Scott daw kasi ang pangalan ni Isko noong bagets pa ito, sey naman ni Cristy. Magdadalawang buwan na raw ang sanggol sa darating na Hunyo 28.

Ayon kay Morly, very proud daw si Joaquin sa kaniyang anak ngunit ang problema raw ay may humahadlang daw sa kanila na huwag munang ilabas sa publiko ang balita tungkol dito.

Kamukhang-kamukha raw ni Yorme ang kaniyang apo at masayang-masaya naman daw ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pinuri naman ni Cristy ang kampo ni Joaquin na bagama't walang kumpirmasyon tungkol dito ay wala rin namang pagde-deny.

Samantala, sa Facebook post naman ni Raffa Castro na anak umano ng dating aktor at ngayon ay news anchor na si Diego Castro, makikitang nagbigay siya ng Valentine greetings sa isang lalaking espesyal sa kaniya.

Mapapansing nakatakip ang mukha ng naturang lalaki, subalit maraming humuhula na ito ay walang iba kundi si JD.

"To the most consistent man on earth."

"Thank you for being the single best thing that ever happened to me. You’re honestly the most amazing person I’ve ever met. I hate to say this but I’m literally the luckiest girl on earth to have a guy like you who’s been there since day one. You’re the only person who hasn’t given up on me and you’re still so patient with me."

"Everyday with you feels like a fairy tail and it’s like you never stopped courting me. You’ll always be my bestfriend, boyfriend and you know the rest. Sorry for acting crazy, but I love you way more than you know…Happy Valentine’s Day! (Its sad that you aren’t beside me today but I hope work is treating you well," aniya.

Samantala, habang isinusulat ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o kumpirmasyon mula sa kampo ni Yorme Isko, Joaquin, o maging sa tinukoy na ina ng sanggol na si Raffa.