Nagbigay ng isang open letter si Leon Barretto para sa kaniyang amang si Dennis Padilla, matapos maibalita ang umano'y himutok nito nang hindi siya mabati ng mga anak na sina Julia, Leon, at Claudia noong Father's Day.

Sa kaniyang Instagram post ngayong Linggo, Hunyo 26, inamin ni Leon na nagdadalawang-isip siya kung ibabahagi ba niya ang naturang open letter o hindi. Humingi siya ng paumanhin sa ama kung hindi niya ito nabati noong Father's Day.

"Sorry if I wasn't able to greet you a 'Happy Father's Day'. It's always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with you every year," pag-amin ni Leon.

Sa lagpas 10 taon daw ay tila naaapektuhan si Leon sa bashing na natatanggap nila sa social media sa tuwing magpo-post si Dennis ng tungkol sa kanila. Tila nae-enjoy raw ni Dennis na nasasaktan ang kaniyang mga anak.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

"Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page?" tanong sa kaniya ni Leon.

Nasasaktan na umano si Leon sa tuwing nababash ang kaniyang mga kapatid na babae, dahil sa "false narratives" ng ama na nakabalandra sa kaniyang social media.

"I need you to know that I want nothing else but to move forward in the safest and healthiest manner possible. I want peace, papa. Can you please stop resorting to public shaming when things don't go your way?"

Panghuli, sinabi ni Leon na mabati na niya ang ama ng "Happy Father's Day" "from a place of gratitude and healing".

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Dennis tungkol dito.