Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez sa Instagram at TikTok ang video ng mga anak na sina Lorin at Venice Bektas na nagpapaalam sa ama nilang si Yilmaz Bektas na kanilang binisita sa Istanbul, Turkey.

Mahigpit ang yakapan ng mag-aama na 15 taon na hindi nagkita.

"12 days with their father after 15 years of not seeing each other was certainly a trip Lorin and Venice will never forget for the rest of their lives. I can’t wait to hear all about it when they get home in time for my birthday," saad sa caption ng IG post ni Ruffa.

"To my friends and followers, thank you for your messages. I may not be able to answer all but know that I am grateful for each and everyone of you."

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

"To families going through similar experiences, thank you for sharing your heartwarming stories with me. Reach out to your estranged loved one today and remember that as long as you’re alive, there’s always hope. May your past no longer block your view of the present," dagdag pa ni Ruffa para sa pamilyang nakakaranas din nito.

Pinasalamatan din niya ang panibagong pamilya ng dating mister.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/25/mga-netizen-naantig-sa-video-ni-ruffa-na-nagpapakita-ng-pamamaalam-ni-yilmaz-sa-mga-anak/">https://balita.net.ph/2022/06/25/mga-netizen-naantig-sa-video-ni-ruffa-na-nagpapakita-ng-pamamaalam-ni-yilmaz-sa-mga-anak/

Noong Hunyo 11 ay naganap ang pagkikita ng mag-aama. Sinundo mismo ni Yilmaz ang kaniyang mga anak sa airport.

Isa sa mga celebrity na nag-react dito ay ang komedyanteng si Dennis Padilla.

"Most precious moments… it broke my heart… This made me (crying memojis at heart)," komento niya.

Yilmaz, Lorin, at Venice Bektas (Screengrab mula sa IG ni Dennis Padilla via Ruffa Gutierrez)

Marami naman sa mga netizen ang nag-comfort sa kaniya lalo't kamakailan lamang ay nabalita ang tila himutok niya sa hindi pagkakabati sa kaniya ng mga anak na sina Julia, Leon, at Claudia Barretto noong Father's Day.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/23/dennis-padilla-nagtampo-kina-julia-leon-at-claudia-dahil-hindi-siya-binati-noong-fathers-day/">https://balita.net.ph/2022/06/23/dennis-padilla-nagtampo-kina-julia-leon-at-claudia-dahil-hindi-siya-binati-noong-fathers-day/

Agad din namang binura ng komedyante ang mga posts niya subalit nai-screengrab na ito ng mga netizen at naipakalat sa social media.