Nakuhanan ng video ang panghaharot ng ibang babae sa mister ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada na talaga namang nagpakulo sa dugo ng ilang mga netizen!

Pero disclamer ni Alex sa umpisa ng kaniyang vlog na may pamagat na "Landi at Selos Prank" na inupload nitong Sabado, Hunyo 25, panggo-good time lamang ito para sa kaniyang mister kaya huwag raw sanang magagalit ang mga netizen kay Laboching, ang kasamahan niya sa noontime show na "Lunch Out Loud". Pinakiusapan niya si Laboching na harutin at landiin nito si Mikee upang makita kung ano ang magiging reaksiyon nito.

Kakilala umano ni Alex ang kinuha niyang accomplice dahil kilala raw niya si Mikee, na kapag ibang estrangherong babae ang gagagwa nito sa kaniya, ay hindi lamang papansin. At least daw, kapag alam nitong kaibigan o kakilala ni Alex, mahihiya itong manaway.

At nagsimula na nga sa kaniyang panghaharot si Laboching. May punto pang kumakandong at niyayakap nito si Mikee. Kitang-kita naman sa mukha ng mister ang awkwardness!

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Makikita rin na nais tingnan ni Laboching ang abs ni Mikee subalit mahigpit ang pagpigil dito ng konsi ng LIpa City, Batangas.

"Hanapan na lang kita," saad ni Mikee kay Laboching, na tumutukoy sa paghahanap ng maireretong ka-date para dito.

Ngunit naging makulit pa rin si Laboching.

"Masaya ka na ba? Hindi ka na titikim ng iba?" urirat nito.

Umiling naman si Mikee.

"Hindi ka na tumitingin?" tanong pa nito.

Inamin naman ni Mikee na minsan ay napapatingin din naman siya sa ibang babae subalit hindi na nga puwede dahil kasal na siya.

Maya-maya ay dumating na si Alex at sinaway niya si Laboching na proud na proud pang kinukulit nitong ipakita ni Mikee ang abs niya sa kaniya.

Nagkaroon din ng kunwaring komprontasyon si Alex kay Mikee kung bakit pinapakitaan nito ng abs si Laboching.

Ngunit sa kalagitnaan ay tila nabuking na ni Mikee na pinaprank siya ng misis dahil sa nakita nitong nakabukas na camera.

Sa bandang dulo, ibinunyag na ni Alex na prank lamang ang lahat.

Sa comment section naman ng kaniyang vlog ay nakiusap si Alex na huwag i-bash si Lamboching.

"Hi netizens!!!! Kilala ko asawa ko and nagsama na sila before ni Laboching ng normal, Laboching kaya alam ko pag hinarot siya ni Labo maaakward pero di niya babastusin. Inaral ko kaya inabot 2 yrs ang pag-iisip ko paano maging Thank you sa pag harot asawa ko nagbalik ang pagiging mocha girls mo," ani Alex.

Habang isinusulat ito ay nasa number 12 trending na ang vlog sa YouTube channel at pumalo na sa 1,155,420 views.