Inaasahang aabot ng ₱275 milyon ang magiging jackpot ng Grand Lotto 6/55 draw sa Lunes, Hunyo 27, ayon sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo.

Walangnakahulasawinning combination ng Grand Lotto 6/55 na 22-51-41-31-16-39 na binola nitong Sabado ng gabi kaya hindi naiuwi ang katumbas ang premyong₱265,279,398.00.

Mayroon namang 10 mananaya na nagwagi ng second prize na tig-₱100,000.00 matapos na mahulaan ang tig-limang tamang numero; 1,296 ang nakakuha ng tig-₱1,500.00 para sa apat na tamang numero at 34,227 ang nakakuha ng palit-taya na tig-₱60.00 para sa tatlong tamang numero.

Paglilinaw ng PCSO, hindi rin nahulaan ang winning combination ng Lotto 6/42 na 27-24-40-14-39-04 na binola rin nitong Sabado ng gabi, kaya hindi rin naiuwi ang jackpot na₱10,518,111.40.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang Grand Lotto 6/55aybinobolatuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.