Diretsahang sinabi ni Pau Fajardo na hangga't maaari at makakaiwas, ayaw na niyang makarelasyon ang isang basketball player.

Naganap ito sa isang panayam sa kaniya sa contract signing bilang endorser ng isang beauty product. Aniya, mainam na rin daw ang mga nangyari sa kaniyang buhay-pag-ibig dahil nakalabas siya sa comfort zone.

"Hindi na talaga, 'wag na po!" sey ni Pau.

"Kung darating, darating… 'Yun na lang po. 'Di ko masasabi, ayokong magsalita nang tapos… Bahala na si Lord."

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Basta loyal, okay na ako," dagdag pa ni Pau nang tanungin siya kung ano raw ang magugustuhan niya sa katangian ng lalaking susunod niyang mamahalin.

Hindi naman ikinaila ni Pau na nasa moving on stage pa siya sa nangyari sa kanilang relasyon ni basketball player Scottie Thompson.

Si Pau na isang modelo at social media personality na unang nakilala bilang longtime girlfriend ng basketbolistang si Scottie Thompson na isang professional basketball player saBarangay Ginebra San Miguel ng Philippine Basketball Association (PBA).

Noong Enero 2021 ay inakala ng marami na mauuwi na sa kasalan ang relasyon ng dalawa matapos mag-propose si Scottie kay Pau.

Gayunman, Abril nang umugong ag balitang nagkakalabuan ang dalawa nang mapansin ng mga tagahanga na binura ng dalawa sa kanilang social media accounts ang mga litrato ng isa’t isa. Makalipas ang ilang buwan, ibang babae ang kaniyang pinakasalan, at ito ay si Jinky Serrano, beauty clinic owner at dating flight attendant.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/06/22/fans-na-shock-kay-ginebra-player-scottie-thompson-nag-propose-sa-isa-kinasal-sa-iba/">https://balita.net.ph/2021/06/22/fans-na-shock-kay-ginebra-player-scottie-thompson-nag-propose-sa-isa-kinasal-sa-iba/

Binasag ni Pau ang kaniyang katahimikan hinggil sa isyu noong Hunyo 24, 2021.

Para naman kay Scottie, "best decision ever" ang pagpapakasal nila ni Jinky. "Life's greatest blessing" din umano ang misis sa kaniyang buhay.

"The best decision I've ever made and my life's greatest blessing! Looking forward to many more memories, adventures, laughs, challenges, small wins and big successes with you!"

"Let's build a solid foundation in the years ahead for our future family and may we always put God at the center of our marriage. Know that I will always be here for you and I'd always choose you in a hundred lifetimes. I LOVE YOU SO MUCH WIFEY!!! @_jinkythompson," ayon sa IG post ng basketbolista noong Enero 3.

Tumugon naman dito si Jinky.

"I love you too husband, my rock!"

"@_jinkythompson my weakness!" sagot naman ni Scottie.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/04/scottie-thompson-best-decision-ever-made-ang-pagpapakasal-kay-jinky/">https://balita.net.ph/2022/01/04/scottie-thompson-best-decision-ever-made-ang-pagpapakasal-kay-jinky/

Panoorin ang panayam kay Pau sa YouTube channel na ito:

&t=1s