Ipinakilala na ni Raymond Gutierrez ang foreigner boyfriend sa kaniyang Instagram post, Hunyo 25, tamang-tama sa pagdiriwang ng Pride Month.

"Celebrate your love! Happy Pride, Philippines 🇵🇭🏳️‍🌈" ayon sa IG caption ni Raymond. Naka-tag ito sa IG account ng kaniyang jowa na nagngangalang "Robert William".

View this post on Instagram

A post shared by Mond (@mond)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ibinahagi rin ni Mond ang mga kuhang litrato nila.

Bumaha naman ng pagbati at pagsuporta rito ang mga celebrity friends ni Raymond kagaya nina Rajo Laurel, Liza Soberano, Yassi Pressman, Jake Cuenca, Anne Curtis, Tony Labrusca, Joey Mead King, Mariel Padilla, Rufa Mae Quinto, Georgina Wilson, Wil Dasovich, at marami pang iba.

Higit sa lahat, nagkomento na rito ang kambal ni Raymond na si Richard Gutierrez.

"Happy for you Mond," saad ni Chard.

Wala pang komento rito ang mga magulang niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama gayundin ang ateng si Ruffa Gutierrez.

Matatandaang lumadlad sa tunay niyang sekswalidad si Raymond noong 2021.