Inorder ni Kapamilya singer Angeline Quinto ang lahat ng mga panindang pagkain na nasa menu ng pinakamatandang local hamburger joint sa Pilipinas, alang-alang sa alaala ng kaniyang pumanaw na inang si Mama Bob.

Sa kaniyang vlog, nagtungo si Angeline at ilang mga kasama sa branch ng "Tropical Hut" na nasa Quezon Avenue at Panay sa Quezon City kahapon ng Biyernes ng tanghali, Hunyo 24, upang mananghalian. Nagulat naman ang service crew nang sabihin ni Angge na oorderin niya ang lahat ng nasa menu nila at lalantakan nila ng kaniyang mga kasama. Siyempre, kasama niya rito ang kaniyang non-showbiz boyfriend at ama ng kaniyang anak.

Habang kumakain ay nagkuwento si Angge na paborito raw ng kaniyang adoptive mother na si Mama Bob ang burger ng naturang fast food chain. Noong nag-audition siya sa "Star Power" sa ABS-CBN kung saan siya nagwaging Champion, madalas daw ay doon siya bumababa sa terminal ng tricycle na katapat ng fast food chain.

Kaya nang mabasa niya ang viral tweet ng isang netizen na mag-isa lang kumakain sa isang branch ng nasabing fast food chain sa Escolta, Maynila, kaagad niyang naisip ang challenge na ito upang makatulong sa muling pagpapanumbalik ng sigla ng naturang fast food chain.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Umabot sa ₱3,370 ang bill na binayaran ng Kapamilya singer.