Dumagdag sa listahan ng mga 'nag-unfollow sa isa't isa sa social media' ang aktor na si Diego Loyzaga at ang napababalitang bagong idine-date na si dating Pinoy Big Brother housemate Franki Russell.

Hindi nakaligtas sa mapagmatyag na mga Marites na hindi na nila fina-follow ang isa't isa sa social media.

Screengrab mula sa IG/Franki Russel

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa IG/Franki Russel

Matatandaang naging usap-usapan ang mga kumalat na litrato nilang dalawa kung saan tila sweet na sweet sila sa isa't isa; binati rin ni Franki si Diego sa birthday nito at tinawag na 'Papi'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/21/diego-iniintrigang-may-bagong-jowa-na-barbie-mapapa-shot-puno-na-ba/">https://balita.net.ph/2022/05/21/diego-iniintrigang-may-bagong-jowa-na-barbie-mapapa-shot-puno-na-ba/

Sa panayam na ginawa sa kaniya ng kolumnistang si Dolly Anne Carvajal kay Diego noong Mayo 28, sinabi ng aktor na walang romantic relationship sa pagitan nilang dalawa, at nananatili siyang single habang isinusulat ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/01/diego-loyzaga-binasag-na-ang-katahimikan-tungkol-sa-kanila-ni-franki-russell/">https://balita.net.ph/2022/06/01/diego-loyzaga-binasag-na-ang-katahimikan-tungkol-sa-kanila-ni-franki-russell/

Samantala, sa panayam naman sa mga half siblings ni Diego kay Sunshine Cruz, sinabi nila na hindi pa rin daw nila nakikilala si Franki sa personal, at wala silang alam sa kung ano ba ang real-score sa pagitan ng kanilang kuya at ng dating PBB housemate.

Si Franki naman, wala pa ring sey tungkol sa isyu.

Ngunit wala pang isang buwan ay iba na ang tunog ngayon ni Diego, ayon sa panayam sa kaniya ng DJ na si Rico Robles, sa "All Out" segment ng Monster Radio RX 93.1, Hunyo 6.

"We had so much in common, and so we were talking a lot and we were like, 'We should catch up sometime. It just so happened that I was going out of town, and we caught up a lot of times before leaving town and I was like, you know what, I'm gonna take a shot in the dark here even though I said that I wanna stay single," ayon sa aktor.

“We have known each other [at the time] for ten days, we are not a thing. Who am I to say that — I can’t give a label that we are something. Ang kapal naman ng mukha ko na sabihin na, ‘Kami na.’ I mean, I haven’t asked her. But noon ‘yon, iba ngayon," aniya pa.

Sa totoo lamang daw, simula nang magkahiwalay sila ni Barbie ay nasabi niyang magpopokus muna siya sa kaniyang sarili. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nangyari nga ang pagki-click nila sa isa't isa ni Franki.

“Well, you know what, I’m a hypocrite. I said I wanted to focus on myself but I guess these things you don’t expect it. It just really comes along."

"We really did click. So, I would definitely say that right now we’re dating.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/07/diego-loyzaga-biglang-kambyo-franki-russell-dine-date-na/">https://balita.net.ph/2022/06/07/diego-loyzaga-biglang-kambyo-franki-russell-dine-date-na/

Kaya tanong ng marami, anyare? Sawaan stage na raw ba kaagad? Kalimitan kasi, nagiging batayan ang pag-unfollow sa isa't isa sa social media kapag nagkakalabuan na ang mga celebrity couple, kagaya na lamang nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

"Nagsawaan stage," komento ng isang netizen.

Hirit naman ng isa, "Yan dapat umpisa pa lang nagkaalaman na. Kaysa naman may kasal-kasal pa, hiwalay din naman."

"Isang linggong pag-ibig ang peg?" banat naman ng isa.

Sey naman ng isa, "Eh ganiyan na lang naman talaga mga modern-day dating. Especially with these kinds of showbiz peepz. Pa-enjoy-enjoy lang daw, no intentions for long-term companionship."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag dito sina Diego at Franki.