Ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap ang official poster ng pelikulang "Maid in Malacañang" ngayong Hunyo 23.

Makikita rin ang opisyal na poster sa Facebook page ng "VinCentiments".

"Una sa lahat, ako ay nagpapasalamat sa aking Manang, Senator Imee R. Marcos— sa aking mga bosses sa Viva Entertainment, VIVA Films at kasamahan sa VinCentiments para sa natatanging proyektong ito," pagpapasalamat ng direktor.

Sunod naman ay pinasalamatan ni Yap ang mga artistang pumayag na bigyang-katauhan ang pamilya Marcos, gayundin ang mga kasambahay nila, kahit na nababalot ito ng kontrobersiya.

Tsika at Intriga

Billy Crawford, 'pinaglamayan' kahit buhay pa!

"Sir Buboy, Cristine Reyes ILoveRuffaG Karla Estrada Diego Loyzaga Ella Cruz Jacqueline Elizabeth Freeman Orig Beverly Salviejo sa pagtanggap sa mga roles na alam naman nating napakakontrobersyal."

"Sa aking mga followers and bashers, para sa inyo ang #MAIDinMALACAÑANG," aniya pa.

Screengrab mula sa FB/Darryl Yap

May be an image of 2 people and text that says 'AFILM BY DARRYL MAID IN MALACAÑANG'
Screengrab mula sa FB/Darryl Yap

Ang pelikulang ito ay kolaborasyon ng VinCentiments at Viva Films.

Matatandaang umani ng kritisismo ang casting ni Yap, lalo na ang pagkakapili kay Cristine Reyes bilang si Imee Marcos.

May ilan pang mga netizen na nagmungkahing bakit hindi sina Ai Ai Delas Alas o Juliana Parizcova Segovia ang kuning gumanap sa senadora.

Buwelta naman ng direktor lalo na sa mga Kakampink, "Kung nanalo sana kayo, gawa kayo ng pelikula tungkol sa kandidato n'yo, doon kayo magdesisyon ng casting…"

"Eh kaso natalo nga si Leni, paanong gagawin natin? Ipagsisiksikan n'yo na lang yung talunan n'yong opinyon sa pelikula ng nanalo?"

"Ganyan na kalungkot ang buhay n'yo?"

"HAHAHAHAHAHA!", aniya.

Mapapanood na umano ang pelikula sa darating na Hulyo.