Usap-usapan sa social media ang Instagram post ng komedyanteng si Dennis Padilla na tila nagpaalala sa kaniyang mga anak na sina Julia, Leon, at Claudia Barretto na nakalimutan nila siyang batiin ng "Father's Day" noong Linggo, Hunyo 19.

Unang IG post ni Dennis ay kasama niya sa litrato ang anak na lalaki nila ni Marjorie Barretto na si Leon.

"You forgot to greet me last Sunday… Hehe… Love you ingat!" caption ni Dennis sa litrato.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Dennis Padilla Father's Day message
Leon Barretto (Screengrab mula sa IG/Dennis Padilla)

Sumunod naman ang mensahe niya para kina Julia at Claudia.

"Miss you both… You forgot to greet me last Sunday… Hehe! Love you… God bless you more."

Dennis Padilla Father's Day message
Julia Barretto at Claudia Barretto (Screengrab mula sa IG/Dennis Padilla)

Ngunit ilang sandali lamang ay binura ni Dennis ang IG posts subalit naging maagap ang mga netizen na ma-screengrab ito. Naibalita na ito kaagad sa isang news site, gayundin sa entertainment portals.

Hindi ito ang unang beses na nagpahayag ng "pagtatampo" si Dennis sa mga anak. Noong 2021 din, naging usap-usapan din ng mga netizen kung binati ba niya privately o hindi si Dennis sa araw ng Father's Day.

Naging usap-usapan din ang hindi niya pagtugon sa mga mensahe sa kaniya ni Dennis sa social media noong binati niya ito sa kaniyang kaarawan, subalit nagbigay naman ng sweet na tugon sa jowang si Gerald Anderson.

Hangad naman ng mga netizen na sana raw ay magkaayos na nang tuluyan ang mag-aama kung mayroon man silang hindi pagkakaunawaan.