Ibinahagi ni Momshie Karla Estrada ang litrato nila ng kapwa "Magandang Buhay" hosts na sina Momshie Jolina Magdangal at Momshie Melai Cantiveros, na mukhang kuha sa set ng naturang morning talk show.

Marami sa mga netizen, lalo na ang mga tagahanga at tagasubaybay ni Karla at MB, ang tila natuwa sa napipintong pagbabalik ng momshie host, matapos ang pansamantalang pag-alis dahil sa halalan.

Subalit palaisipan din sa lahat kung huling episode na ba ito ni Momshie Karla sa morning talk show dahil sa cryptic caption niya.

"Happy to see you my Momshies!!! Ang Pamamaalam… ABANGAN!" ani Karla at naka-tag pa ito kina Melai at Jolina.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Good Vibes with all momshies," pahabol pa nito.

Sa comment section ay nag-react naman si Melai.

"Hayaaaan naaaaaa"

Tugon naman ni Karla, "Hahahahhaa Ayan naaaaa!!!"

Nagkomento rin dito ang mga celebrity na sina Ogie Alcasid at Sunshine Cruz.

Kaya naman ang malaking tanong ng bayan, magbabalik-Magandang Buhay na ba nang tuluyan si Momshie Karla o tuluyan na siyang mamamaalam dito, kagaya ng sinabi niya sa caption?

Matatandaang naging isyu ang pagtakbo ni Karla sa halalan sa ilalim ng party-list na "Tingog". Ang first nominee kasi nito ay isa sa mga bumoto na huwag mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Isa pa, si Karla ay maka-UniTeam habang ang sina Jolina at Melai naman ay parehong Kakampinks.

Sina Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang humalili kay Momshie Karla, at ngayong abala si Regine sa concert nila ni Megastar Sharon Cuneta, si Queen of Philippine Soap Opera Judy Ann Santos naman ang sumalang bilang host.

Kaya abangers na lang sa matitinding mga anunsyo ng mga momshies!