Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Morly Alinio sa kanilang entertainment vlog na "Showbiz Now Na" ang umano'y haka-haka ng mga Marites na baka totoo ang chikang nagdadalantao si Kapamilya actress Julia Montes, kaya hindi umano nakikita ang karakter nito sa teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano".

Isa sa mga naungkat ng tatlo ang napansin ng mga netizen na may identical ring na suot sina Julia at ang napababalitang jowa niyang si Coco Martin; kaya tanong tuloy ng marami, engagement ring ba iyon o wedding ring?

Pangalawa, lumutang din ang isyung baka buntis si Julia dahil daw napansin ng mga netizen na medyo malaki ang tiyan nito sa ilang mga eksena sa FPJ: AP.

Matatandaang pinagpiyestahan ng mga netizen ang mga litrato niya sa Instagram kung saan pinansing lagi raw may nakatakip sa bandang tiyan ng aktres.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ayon kay Cristy, unang naging bulung-bulungan at lumutang ang isyu ng umano’y pagbubuntis ni Julia dahil sa lamay ni 'Manang Inday' ang yumaong si Queen of Philippine Movie Susan Roces.

“Nagpunta po lahat mga kachika ang staff, crew, at mga artista ng ‘Ang Probinsyano’ sa lamay. Nagkaroon ng eulogy, wala si Julia Montes. Hinanap siya. Ang dahilan na lumutang, bawal daw pong magpunta sa burol ang buntis,” aniya.

Hindi na raw bago kina Coco at Julia ang isyu ng pagbubuntis dahil nangyari na umano ito noong 2019. Matatandaang inisyu ng mga netizen ang pagtira ng aktres sa ibang bansa dahil doon umano ito nagsilang ng kanilang panganay na anak ni Coco. Galit na galit pa nga raw si Coco sa kaniya nang maisulat niya ito.

Sey naman ni Romel, hanggang ngayon ay wala pa ring pag-amin tungkol doon si Coco, lalo na si Julia.

Para naman kay Cristy, wala namang kaso kung totoo ito lalo't nariyan naman si Coco para sumagot o panagutan ito, kung totoo at kumpirmado man ang chika.

"Hindi po imposibleng magdalantao ang babae kung nandiyan ang kaniyang pinakamamahal," giit pa ng showbiz columnist.

Feeling naman ni Morly, mukhang totoo ang chikang ityo dahil matagal nang naiisyu ang ganito subalit hindi naman sila nagre-react.

Sey naman ni Cristy, "Eh siyempre mga reporters tayo… eh 'di pabulaanan kung mali, bakit hindi n'yo ko sinita?" Ibinigay pang halimbawa ni Cristy ang expose niya noon kina Aubrey Miles at Phoemela Baranda na eventually ay umamin din naman matapos ang pagde-deny at pagtatago ng totoo.

Ang isang anak daw ay hindi itinatanggi sapagkat ito ay biyaya mula sa Panginoon.

Giit pa ng showbiz columnist, "Huwag kayong magagalit. Public figure kayo. Pinasok n’yo itong mundo ng entertainment. Natural lamang na anumang kilos o galaw n’yo, para kayong mga isda sa aquarium, sinusundan kayo. Wag kayong magagalit tutal ang laki-laki naman ng benepisyong nakuha n'yo sa publiko. Yumaman kayo, gumanda ang buhay n'yo, sumikat kayo.’

Para daw matapos na ang mga intriga sa kanila, may unsolicited advice si Cristy na aminin na lamang daw ang dapat aminin. Mahirap umanong maging sorry balang-araw.

"“Aminin na ang dapat aminin, mahirap maging sorry sa darating na araw… Ang punto po natin, aminin kapag totoo. I-deny kung walang katotohanan,” sey pa ni Cristy.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag dito ang kampo nina Coco at Julia.