Ang masaya sanang panonood ni Awra Briguela ng UAAP women’s volleyball sa SM Mall of Asia Arena noong Hunyo 21, 2022 ay nauwi sa pagkawindang matapos manakaw ang kaniyang mamahaling cellphone nang hindi niya namamalayan.

Ayon sa sunod-sunod na tweet ni Awra, modus daw yata ng mga magnanakaw na magpa-picture at kapag nagkagulo na ay saka aatake.

Ang nakakaloka pa raw dito, hindi lang siya ang biktima kundi marami sila.

"End up sobrang dami pong nanakawan same time and same spot. So please po pa-send ng video, ramdam ko po navideohan talaga yung nagnakaw," pakiusap ni Awra.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://twitter.com/AwraBriguelaaa/status/1539232372440170496

Handa umanong magbigay ng pabuya ang komedyante sa kung sinumang audience sa MOA ang makapagbibigay sa kaniya ng video ng pagnanakaw, o makapagbibigay ng detalye kung sino ito. Bukod kasi sa cellphone ay may kasama pang cash na nakuha mula sa kaniya.

"Sa lahat po ng may video ko sa MOA kanina after game, kindly send me the video nanakawan po kasi kasama ko ng phone and cash habang madaming nagpapa picture. DOOR 218 po ako nun thank you po."

Tinalakan niya ang mga magnanakaw na aniya ay ayaw magsipagtrabaho nang maayos upang hindi na magnakaw pa.

"Grabe talaga kanina yung experience ko sa moa arena nakaka trauma. ang babastos na malikot pa kamay. Ayaw magsipag trabaho nang maayos, sobrang nakakagalit hindi nakakaawa."

"Grabe ang modus nila sobrang daming nagpapapicture tapos pag nagkakagulo na, galaw na ang mga kupal magnakaw."

Ipapa-lock na raw ni Awra ang naturang cp upang hindi ito mapakinabangan pa. Nakiusap siya sa nagnakaw na isauli na lamang ito at bibigyan pa niya ng cash.

"Again sa kumuha ng phone pakibalik na lang po kasi hindi n'yo rin po talaga 'yan mapapakinabangan. I will give you cash pa po pag binalik n'yo. Yung 5k na nakuha then dodoblehin ko, you can dm me promise hindi ko expose kung sino ka. Sobrang dami lang important files sa phone," ani Awra.

https://twitter.com/AwraBriguelaaa/status/1539512777559093248

Habang isinusulat ito ay hindi pa nagbibigay ng update si Awra kung naibalik na ba sa kaniya ng nawalang cellphone.