Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaaresto ng dalawang drug trafficker at pagkakakumpiska ng kabuuang ₱1,600,000 halaga ng pinaniniwalaang marijuana sa Rizal nitong Hunyo 23.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jomar Vergara, 19, at Edgardo Claudio, 25, kapwa tinaguriang high-value individuals (HVIs).

Sa report ng pulisya, nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Taytay City Police sa loob ng isang subdivision sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal nitong Huwebes na ikinadakip nina Vergara at Claudio.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pinagkukunan ng droga ng dalawang suspek.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kina Vergara at Claudio.