Naging masaya umano ang ina ni Antonette Gail del Rosario, jowa ng online personality na si Whamos Cruz, sa balitang magkaka-apo na siya.

Ayon kay Antonette, unang nakaalam sa kaniyang pagbubuntis ang kaniyang pamilya. Matatandaang ini-anunsyo ng mag-jowa na finally ay magkaka-baby na sila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/21/whamos-cruz-at-antonette-gail-magkakababy-na-pinag-isipan-namin-nang-matagal-ito/">https://balita.net.ph/2022/06/21/whamos-cruz-at-antonette-gail-magkakababy-na-pinag-isipan-namin-nang-matagal-ito/

"Ang una ko pong sinabihan syempre lahat ng family namin. Yung mga reaksyion nila, sobrang saya dahil may pinakamagandang blessing si God na ibinigay sa amin," sey ni Antonette.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Wala rin umanong dapat ipag-alala ang mga tagahanga at tagasuporta nila dahil maayos na umano ang relasyon nina Whamos at ermat niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/31/idol-philippines-contender-at-tiktok-idol-whamos-cruz-natagpuan-ang-true-love/">https://balita.net.ph/2021/08/31/idol-philippines-contender-at-tiktok-idol-whamos-cruz-natagpuan-ang-true-love/

"Okay naman yung relasyon ng mother ko and Whamos. Yung past, pinag-usapan na namin ganoon talaga maraming bagay ang susubok sa inyo pero in the end mas mabuti pa rin na okay ang family namin nanakapalibot sa amin,” sabi ni Antonette, 18.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/07/ina-ni-antonette-kay-whamos-kailan-mo-balak-iuwi-ang-anak-kong-sinilaw-mo-sa-materyal-na-bagay/">https://balita.net.ph/2021/09/07/ina-ni-antonette-kay-whamos-kailan-mo-balak-iuwi-ang-anak-kong-sinilaw-mo-sa-materyal-na-bagay/

Sinamahan pa ng kaniyang ina sa scheduled check-up si Antonette, patunay na tanggap na nito ang pakikipagrelasyon kay Whamos.

Matatandaang napabalita ang pagkadisgusto ng kaniyang ina kay Whamos na umabot pa sa ungkatan ng kanilang mga nakaraan.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/08/antonette-del-rosario-sinasaktan-at-minomolestiya-ng-stepdad-kaya-sumama-kay-whamos/">https://balita.net.ph/2021/09/08/antonette-del-rosario-sinasaktan-at-minomolestiya-ng-stepdad-kaya-sumama-kay-whamos/