Tila ikinatuwa ng showbiz insider na si Manay Lolit Solis ang hayagan nang pagbabahagi ni KC Concepcion sa naging pagkakasundo nila ng inang si Sharon Cuneta.

Naghilom at nagkaayos na ang mag-inang si KC Concepcion at Sharon Cuneta, masayang pagbabahagi ng anak nitong Martes, Hunyo 21 sa isang Instagram post.

Ani Manay Lolit, dapat lang na magkasundo na ang dalawa dahil una sa lahat, sila’y mag-ina.

“Mag ina sila na dapat lagi ipinapakita sa lahat ang suporta nila sa isa't isa. Saka wala naman dapat maging intriga sa mag nanay dahil kahit ano mangyari, blood will always be thicker than water,” saad ni Manay Lolit.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag niya, “Imposible na magtagal kung meron man silang hindi pagkaka unawaan dahil ano ba ang dapat nila pag awayan. Meron ng sari sariling mundo sila KC at Sharon, pero in the end, kailangan parin ng anak ang gabay ng ina.”

Basahin: KC Concepcion, masaya sa pagkakaayos nila ng inang si Sharon Cuneta – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tinitignan naman ni Manay ang setup ng parehong celebrities dahilan para masangkot ang mag-ina sa mga isyu.

“Siguro lang different ang case nila dahil nga mga sikat na celebrity sila, kaya lahat ng kilos napapansin. Pero ending niyan, sila parin ang magkasama lalaban sa anuman issue.”

“Good na andiyan parin si Sharon para kay KC dahil iba parin iyon gabay ng isang nanay sa anak. Together, forever, mother and daughter, Sharon Cuneta at KC Concepcion,💕” pagpapatuloy ni Manay.