Tila nasobrahan daw sa twist na kagaya ng mga napapanood sa teleserye ang buhay ni Kapuso actor Tom Rodriguez, sey ng showbiz columnist na si Lolit Solis.

Palaisipan kay Lolit kung bakit nasabi ng estranged wife nitong si Carla Abellana na kailangang magpatingin sa doktor si Tom.

"Parang sobra yata sa twist ang buhay ni Tom Rodriguez, Salve. Iyong mga lumalabas na issue ngayon parang napakagulo ng mental situation niya. Hindi mo alam kung ano ba iyong sinasabi ni Carla Abellana na dapat magpatingin sa doktor si Tom. Iyon 11 times na raw nag-try mag-commit ng suicide, iyong may mga times na sinasaktan pa siya physically ni Carla, grabe iyon mga issue na lumalabas ha kung totoo ‘yun," mababasa sa Instagram post ng showbiz columnist, Miyerkules, Hunyo 22.

Kapag nakikita naman daw si Tom sa TV, walang mag-aakalang may ganitong drama sa buhay ang aktor kaya nakagugulat daw talaga ang mga balita patungkol sa pagsasama nila ni Carla.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

"Hindi mo aakalain na meron pala ganitong mga bagay na nangyayari dahil ok naman si Tom tuwing nakikita mo sa public. Kaloka na nag-suicide attempt na pala ito, at lalong kaloka na na budol siya ng 20M. Bakit nangyayari ito sa buhay ni Tom Rodriguez?"

"Bakit kung kelan siya nag-asawa saka lumabas ang mga ganitong issues? Wow! Ang hirap siguro ng ginawa nilang pagtatago noon para maging sikreto ang mga bagay na lumalabas ngayon. Kundi pa naging public ang paghihiwalay nila ni Carla baka hangga ngayon nakatago pa rin ang mga pangyayaring ito."

"So sad na nawalan ka ng 20M pero mas sad siguro na pati asawa mo makipaghiwalay sa iyo. Sadder pa na ngayon public na lahat ng gusto mo sanang sikreto ng buhay mo. Triple whammy talaga ang case ni Tom Rodriguez. Kaloka," reaksiyon na lamang ng showbiz columnist.

Matatandaang kamakailan lamang ay sinagot ni Carla ang mga netizen na nagtatanong sa kaniya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Tom.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/16/carla-sumabog-na-binasag-ang-katahimikan-tungkol-sa-isyu-ng-hiwalayan-nila-ni-tom/">https://balita.net.ph/2022/06/16/carla-sumabog-na-binasag-ang-katahimikan-tungkol-sa-isyu-ng-hiwalayan-nila-ni-tom/

May counter statement naman si Tom tungkol dito na ipinadala ng kaniyang manager sa 24 Oras. Dito ay inamin ng aktor na hiwalay na sila ni Carla sa proseso ng diborsyo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/17/carla-had-given-up-on-our-marriage-tom-rodriguez/">https://balita.net.ph/2022/06/17/carla-had-given-up-on-our-marriage-tom-rodriguez/