Kinagiliwan ng maraming netizens ang paghahanda ng sariling avocado-banana ice cream ng dalawang taong-gulang na si Dahlia, unica hija ng celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwin Heussaff.

Tila susunod sa yapak ng amang si Erwan, isang food at culture content creator, si Dahlia sa ilang beses na nitong pangunguna sa kusina.

Sa isang Instagram video ng food vlogger, sa gabay ng ama, ibinahagi ni Erwan ang ilang tagpo ng paghahanda ni Dahlia ng sarili niyang ice cream recipe.

Game na game si Dahlia sa paghahanda ng mga sangkap ng ice cream habang ilang beses na natawang ginagabayan ng amang si Erwin.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nahuli naman ng maikling IG video ang kilit ng netizens, lalo na nang sitahin ni Dahlia ang ama habang ini-enjoy na nito ang inihandang ice cream.

Kuwento ni Erwan, “She didn't want me to film her eating the ice cream.”

Kinagiliwan rin ng netizens ang pagsambit ng magic word ni Dahlia matapos iabot ng ama ang frozen ice cream.

“Thank you po,” anang dalawang taong-gulang na si Dahlia habang maririnig na tinuturuan ng kaniyang mommy na si Anne.

“Dahli you’re the cutest!😍😍😍” saad ng isang netizen.

“She is amazing!”

“So adorable Dahlia!!!🥰❤️”

“She's so cute! 😍😍😍😍”

“She's the cutessssstttt.😍😍”

Hindi rin napigilang magkomento ng celebrity mommies sa kakyutan ni Dahlia.

“She’s too cuuuuute!!! ❤️❤️❤️” komento ng TV host at celebrity mom na si Iya Villania.

Tatlong emojis, “😍😍😍” naman ang iniwan ni Bianca Gonzales Intal sa video ni Erwan.