Imbiyerna ang LGBTQ+ ally at Kapamilya actress na si Chie Filomeno sa isang netizen matapos magkomento sa kaniyang look para sa latest shoot ng isang pelikula.

Sa kaniyang serye ng Instagram story, Martes, ipinasilip ni Chie ang behind the scenes ng kaniyang movie shoots kasama ang kaniyang glam team.

Isang selfie video naman ang sunod na makikita sa isa pang IG story ng aktres kung saan fully-glammed up na ito.

Isa namang netizen ang walang anu-ano’y tumalak sa itsura ng aktres para sa shoot.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Ang pangit mo na girl, mukha ka ng bakla,” saad ng isang Instagram user.

Bilang LGBTQ+ ally ay hindi naman nadismaya na maihalintulad sa ganda ng mga bakla at bagkus ay nagpasalamat pa ang aktres.

Talak at paalala na rin ni Chie sa kaniyang followers, “Don’t ever use ‘bakla’ as an insult.”

Aniya pa, hindi dapat umanong tularan ang ibinalandrang netizen sa IG story.

Basahin: Passport photo ni Chie Filomeno, viral! Netizens, napa-sana all – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bagaman hindi insulto, ang salitang “bakla” ay karaniwang ginagamit na panlalait sa kapwa, lalo na sa mga komunidad sa Pilipinas.

Dahil sa atrasado at konserbatibo ang kalakhang Pilipinas tungo sa LGBTQ+ community ay nananatili pa ring malaking laban para sa komunidad ang isulong ang SOGIE (Sexual Orientation, Gender Identity and Expression) Bill sa Kongreso.

Ngayong Hunyo, ipinagdiriwang ng komunidad ang Pride Month.