Umani ng good vibes sa social media ang pagtatangkang paggaya ng isang pamilya sa pinag-usapang photo ng mag-anak na Billy Crawford, Coleen Garcia, at Baby Amari habang nasa isang dagat.

Sa naturang litrato, makikitang nakasampa sa paddle board si Coleen habang nagpapadede sa kanilang panganay na Billy. Nagbakasyon ang mag-anak sa isang resort at ibinahagi ito ni Coleen sa kaniyang Instagram post noong Hunyo 7.

"It was my first time on the paddle board, and I was finally having some nice alone time, until the little guy spotted me while he was playing in the water. It was nice while it lasted. #strikeanywhere #asinanywhere," caption ni Coleen.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Tinangka naman itong gayahin ng pamilya ng netizen na si "Arlene Louraine", ngunit aniya, parang epic fail sila dahil nagmukha raw silang lumilikas sa baha.

"Gusto ko lang naman gayahin si Coleen," ayon sa Facebook post ni Arlene noong Hunyo 17.

"Ano bang mahirap don, family???"

"Jusmeee, para kaming lumikas sa baha!!"

"Sumosobra ka na talaga, Coleen eh."

"Eto na po ang complete footage ng rescue operation," biro pa ni Arlene at ibinahagi ang isang FB link kung saan makikita ang marami pa nilang kuhang litrato.

Sa kasakuluyan ay umabot na sa 74K laugh reactions, 2.7K comments, at 34K shares ang naturang Facebook post. Hinihintay pa ng mga netizen kung makakarating ito sa celebrity couple at kung ano ang magiging reaksiyon nila rito.