Tila nakuryente sa pekeng balita ang mga netizen nang kumalat ang tsikang lulundag na raw sa GMA Network si Popstar Royalty Sarah Geronimo, pati na ang singing competition na "The Voice of the Philippines" na unang napanood sa ABS-CBN, at isa siya sa mga coach.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, nang tanungin daw nila ang mga taga-GMA ay itinanggi nila ito at fake news daw; wala silang naririnig tungkol, at gawa-gawa lamang daw ng fan based- groups.

May tsika pa nga na pauunahin daw ang "The Voice Kids".

Kung talagang totoo na ito, dapat daw sana ay may staff na para dito at ngayon pa lamang ay naghahanda na sila lalo't malaking proyekto ito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kagulat-gulat din daw na may lineup na kaagad ng host hanggang sa new set of coaches nito. Ang napabalitang magho-host daw nito ay si Xian Lim. Bukod kay Coach Sarah ay makakasama rin dito ang original coach na si Bamboo Mañalac. Makakasama nila sina Julie Anne San Jose at Pops Fernandez.

Anyway, paglilinaw naman ni Bosing Vic Del Rosario na mananatiling Kapamilya si Sarah, at magbabalik na sa "ASAP Natin 'To" sa darating na Hulyo.

Isang beses sa isang buwan daw mapapanood ang Popstar Royalty sa naturang longest musical noontime show sa bansa.