Matapos magbusy-busyhan sa kaniyang showbiz career nitong mga nagdaang buwan ay balik-online live selling si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz kung saan naman siya unang kinagiliwan ng mga tao.

Sa kalagitnaan ng kaniyang pagbebenta ay may mga pangahas na netizen na biglang umurirat sa kaniya tungkol sa jowa.

"Bakit ka magla-live selling, nahuthot na ba ang pera mo ng lalake mo?" tanong sa kaniya ng isang netizen.

Talak ni Inutz, "Bakit nahuthutan ka ba? Puk***ina mo! Yung mga nangyari sa inyo huwag n'yo 'kong idadamay. Inutil!"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Halika, gusto mo sumama sa bangko! Nanggigigil ako sa inyo!"

"Kung kayo hindi masaya sa mga buhay n'yo, mga puk***ina n'yo, huwag n'yo 'ko idamay ha. Tingnan n'yo noo ko namumula," banas na sabi niya.

Matatandaang ipinakilala ni Madam Inutz sa kaniyang vlog noong Hunyo 18 ang lalaking agpapatibok na sa kaniyang… puso. Ito ay si Christian Edward Martin o "Tantan", na nagtatrabaho bilang entertainer sa "One Club 690" na pagmamay-ari ng kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino. Doon umano sila nagkilala ni Tantan.

Paglilinaw ng Mamabentang online seller, kahit sa bar naghahanapbuhay si Tantan ay hindi siya pineperahan nito, gaya ng sinasabi ng mga netizen tungkol dito.

"Mas mapera pa siya sa akin… mas malakas pang kumita sa akin 'to, mga inutil," ani Madam.

Isa pang nilinaw nila ay ang isyung beki umano ito, dahil nga sa isang bar ito nagtatrabaho.

"Bakla ka ba?" tanong ni Madam.

"Hindi tayo sure," biro nito. "Siyempre hindi!"

"Hindi ako bayot, hindi ako bading, hindi ako paminta. Lalaki ako, straight. 100 percent. Hindi ko kailangang patunayan sa inyo kung ano ako, 'di ba? Kung ano naman sabihin ng iba, wala naman akong magagawa doon eh."

Hindi rin umano ginagamit ni Tantan si Madam Inutz upang sumikat at makapasok sa showbiz.

Isiniwalat din ni Madam Inutz na pareho silang single parent ng jowa.

Umapela naman ang madam sa publiko na huwag sanang husgahan ang kaniyang kasintahan, bagama't nauunawaan naman niyang concern lang ang mga tagahanga niya sa kaniya. Open book naman kasi sa lahat na hindi naging matagumpay ang mga naging relasyon niya sa mga tatay ng kaniyang anak.

"Hindi naman makatao ang sinasabi ni iba. Alam kong concern kayo [sa akin], pero mas maganda siguro kung kilalanin muna natin si Tantan."

"Maganda siguro kung ititigil natin 'yong panghuhusga sa kapwa, lalo na kung hindi mo pa naman nakakausap o kilala 'yong taong hinuhusgahan mo. Iyan ang pangit sa ating mga Pilipino, parang kilalang-kilala mo na 'yong tao para manghusga," aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/19/lalaking-nagpatibok-ng-ano-ko-puso-jowa-ni-madam-inutz-iniisyung-namemera-at-paminta/">https://balita.net.ph/2022/06/19/lalaking-nagpatibok-ng-ano-ko-puso-jowa-ni-madam-inutz-iniisyung-namemera-at-paminta/